Kaya Pala

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Dahil bigla na lang nagtapos ang lahat

Na parang wala lang, naglaho na parang bula.

Iniwan mo akong nakatayo sa gitna,

Nagtataka, balisa, hindi maunawaan

Kung ito na nga. Ito na ba ang dulo ng langit

Para sa ating namamayagpag na pag-ibig?


Mahal, kaya pala..
Unti-unting lumamig ang mga tingin mo sa akin

Na dati’y kasing init ng tanghaling tapat

Katulad noong una tayong magkakilala.

Kaya pala dumarami na rin ang mga kinakaibigan mo sa opisina

Katulad noong kinaibigan mo ang lahat sa eskwela.

Pati ako. Ako na nananahimik sa isang sulok, kinaibigan mo.

At lumago ang nuo’y buto lamang ng pagnanais ng kasama

Na ating itinanim sa isa’t-isa at nagbunga

Ng pulutong at pulutong na mga masasaya at mapupusok na ala-ala.

 

Kaya pala ngayon ang dami niyo nang litrato na kayong dalawa lang

Tulad noong nagsisimula na tayong dalawa at minsan parang

Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sinabi mo pa noon,

“Kung tutol man sa atin si tadhana, isusumbong natin siya kay Bathala!”

Kaya pala hindi mo na magawang hawakan

Ang aking mga kamay ng mahigpit

Dahil handa ka na.

Handa ka na’ng bumitaw anumang oras mula sa iyong pagkapit.

Kaya pala hindi mo na kayang dumilat mula sa ‘yong pagkakapikit

Noong mga huling araw na tayo’y nagsasama pa

Dahil ayaw mo nang makita ang ating langit

At gusto mo na sa impyerno ng iba.

 

Kaya pala.. ngayon malinaw na ang lahat.

Oo, madami ako’ng pagkukulang

Pero hindi pa ba sapat na ibigay ko ang kaya ko’ng ibigay?

Ibinuhos ko na ang dapat unti-unti ko lang na inilagay sa’yong mga kamay

Kaya hindi mo na nagawang panghawakan pa ang mga pangako mo.

Kaya’t tuluyan na rin akong bumitaw sa mga pangarap ko para sa ating dalawa.

 

Kasi akala ko kaya pa…

Pero nagtapos ang lahat sa “kaya pala”.

Tama nga yung sinasabi nila na maraming namamatay sa maling akala.

Dahil tumigil sa pagtibok ang puso ko noong isinuko mo ang lahat

Dahil ayaw mo na ring maniwala.

Akala ko rin kasi, ‘pag kakampi natin si tadhana, mananalo na tayo sa larong ‘to

At hindi ko na alintana na si Bathala na pala ang kinakalaban nating tatlo.

 

Ilang gabi din ako’ng nakipagtalik sa ating mga ala-ala.

Ilang araw na nahilo at isinuka ang pag-asa.

Ilang buwan na nagdalang-pighati

At tuluyan nanganak ng dusa.

 

Kaya titigil na ako…

Sa paniniwalang “kaya pala.”

Kasi, oo, kaya ko pa..

Pero hindi na nating dalawa.

Poem made by my bestfriend Steven Payumo! ❤️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s